Monday, April 20, 2026

Matthew 11: “You Will Find Rest for Your Souls” –




 “You Will Find Rest for Your Souls” – 

(Matthew 11:29)

Hindi lang basta “rest” ang sinasabi dito ni Jesus—rest for your soul. Ibig sabihin, hindi ito surface-level na pahinga tulad ng tulog, bakasyon, o break. Kasi kahit matulog ka ng mahaba o magpahinga ka physically, kung ang loob mo ay magulo—pagod ka pa rin.

Ang “soul” ang pinaka-core ng pagkatao natin—dito nakatira ang emotions, thoughts, desires, at spiritual life natin. Kaya kapag ang kaluluwa ang pagod, kahit okay ang katawan mo, may bigat pa rin.

Ang sinasabi ni Jesus:

May pahinga na umaabot sa pinaka-loob mo.

Hindi ito nakukuha sa mundo—sa Kanya lang.


At pansin mo, ang phrase ay “you will find…”

Hindi automatic, pero may promise—habang lumalapit ka, sumusunod, at natututo sa Kanya, unti-unti mong matatagpuan ang pahinga.

Kapatid, baka hindi mo lang kailangan ng pahinga—kailangan mo ng healing sa soul mo.

Pagod ka na siguro kakaisip,

 kakabuhat ng problema,

 kakahabol ng expectations, o 

kaka prove  ng sarili mo.

At minsan kahit nagpe-pray ka, parang hindi pa rin nawawala yung bigat—

pero hindi ibig sabihin wala si Lord.


He is teaching you to rest in Him, 

not just ask from Him.


Ang tunay na pahinga ay hindi lang kapag sinagot Niya ang prayer mo—

kundi kapag natuto kang maging panatag kahit naghihintay ka pa.


Application :


Kapag restless ang isip mo, stop and sit in God’s presence—even in silence. Hindi laging words, minsan presence lang.

Practice surrender daily: “Lord, hindi ko na kayang i-carry ‘to mag-isa.”

Feed your soul, not just your schedule—magbasa ng Word, makinig sa Kanya, hindi lang puro gawa.

Let go of control—hindi lahat kailangan mong ma-figure out today.

Ang pahinga ng kaluluwa ay hindi nakikita sa pag-alis sa problema—

kundi sa pananatili kay Jesus sa gitna ng problema.


🙏

Lord, salamat dahil Ikaw ang nagbibigay ng tunay na pahinga. Kapag magulo ang isip at mabigat ang aming puso, tulungan Mo kaming  lumapit at manatili sa presensya Mo. Turuan Mo kaming magtiwala kahit hindi pa namin nakikita ang sagot. Ikaw ang kapahingahan namin Panginoon. 🙏 In Jesus Name. Amen. 🙏

---------------

PASTORA SHERLY - JCRC RIYADH

3 comments:

Matthew 11: NOT OUR WAY BUT HIS WAY

 Scripture “and said to him, “Are you the one who is to come, or shall we look for another?” And Jesus answered them, “Go and tell John what...