Friday, April 10, 2026

MATTHEW 1 : SI HESUS

 


MATTHEW 1

               Dito sa chapter one ng Mateo ay pormal na ipinakilala si Jesus. Kung saan siya nag mula na lahi at kung sino ang kaniyang mga magulang. Ipinaalam din sa atin kung paano siya na buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu kaya nag dalang tao si Maria. Si Jose na asawa ni Maria ay galing sa lahi ni David na naging physical Father ni Hesus. Ibig sabihin si Hesus ay isang hudyo o  Jews or the descendants of Abraham, Isaac, and Jacob which is the royal lineage.

So, it shows that He’s the legal Messiah dahil galing siya sa royal lineage. Ang legal na tagapagligtas na sinasabi noon sa old testament. Ang kaniyang pagkabuhay ay fulfillment ng prophecies.

 

Bakit nga ba na buhay si Hesus? Ano ang sinasabi ng propesiya tungkol sa Kaniya?

              Na buhay si Hesus dahil nagkasala tayo sa una palang. Sa Genesis palang ay nagkasala na si Adan at Eba kaya ang buong sangkatauhan ay nanganganib at kailangan ng tagapagligtas. Bakit tayo nanganganib? Dahil makasalanan tayo. Ang gumagawa ng kasalanan ay mapupunta sa impyerno. Ngunit ayaw iyong mangyare ng Diyos. Kaya ibinigay niya si Hesu-Kristo sa atin upang tayo ay iligtas at linisin sa ating mga kasalanan.

 

ü  Genesis 3:15, The “seed of the woman” who would crush the serpent’s head,(Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo) representing the victory over Satan. Dito inihayag ng Diyos ang kaparusahan na mangyayare sa ahas, sa babae at kay Adan noong sila ay lumabag sa utos ng Diyos. Ang sabi ay ang binhi ng babae ang dudurog sa kaniyang ulo at sa sakong niya’y ikaw ang tutuklaw. Nakasulat na sa una palang na iyan ang trabaho ng kalaban na tuklawin tayo upang mapatay ng makandag nitong laway. Pero ang antidote ng lasong iyon ay ang binhi rin babae na si Hesus and that is through the blood of Jesus we are saved. That is why He is our Redeemer.

ü  Isaiah 52:13-53:1-12, Ang nag durusang lingkod. Or the suffering servant predicts the suffering na pag dadaanan ng ating Panginoong Hesus. While reading this ay nalulungkot ako at nagiging grateful because na buhay upang mamatay para sa atin. Nakaka-touch that I feel so special dahil isa ako sa mga sinave Niya. But my heart broke sa chapter 53:5, “dahil sa ating kasalanan kaya siya nasugatan…” the pain na in-endure niya for us…ganun niya tayo kamahal. Kaya bigyan natin ng kabuluhan ang kaniyang pagtitiis.

ü  JOHN 3:16, FOR GOD SO LOVE THE WORLD THAT HE GAVE HIS ONLY BEGOTTEN SON FOR WHOSOEVER BELIEVE IN HIM SHALL NOT PERISH BUT HAVE AN EVERLASTING LIFE. Ito na nga yun. Na buhay si Hesus dahil ito ang kalooban ng Diyos at alang-alanhg sa Kaniya kaya tayo ay papatawarin.

             

              Marami pang supporting verses sa propesiya ng pagkabuhay ng Panginoon at lahat ng ito ay sa isang purpose lang. Ito ay upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan. At nangyare nga ang propesiya kaya tinatamasa natin ngayon ang kaligtasan na nagmumula sa KANIYA. ANG KANIYANG GRACE THROUGH HIS BLOOD.

              Pero have you noticed the inclusion of five women sa lineage ni Jesus. Sina Tamar, Rahab, Ruth, Uriah’s wife, and Mary. Sila yung may broken background sa royal lineage. Dito hina-highlights ang grace ni Lord hindi lang sa jewish people kundi including ang mga gentiles. That He is God of everyone. That He is the Saviour of the mankind.

              Gentiles are fellow-heirs too, ibinuhos din sa atin ang Holy spirit hindi lang sa jews. The salvation didn’t only focus sa Israel pero pati narin sa buong bansa through faith kay Jesus Christ.

              Kaya samakatuwid, ang pagkasilang kay Hesus ay isang act of love ni Lord sa sangkatauhan. Hindi ba’t ito ang buod ng ini-evangelize natin? Na noong una, ang first goal ng Diyos ay makasama tayo ngunit hindi iyon nangyare dahil tayo ay nagkasala. Ang bawat kasalanan ay dulot ang kamatayan. Ngunit ayaw iyong mangyare ng Panginoon kaya niya ibinigay sa atin ang kaniyang bugtong na anak upang mag silbing tulay pabalik sa relasiyon sa kaniya. Sabi sa Romans 6:23, For the wages of sin is death but the free gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord. Tanggapin natin si Hesus bilang Diyos at tagapagligtas natin at humingi tayo ng patawad at magsisi tayo sa kasalanan upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

 

Tayo ay manalangin.

 

              HALLELLUJAH Father GOD, Ibinababa ko po ang aking sarili upang itaas ka Panginoon. Pinupuri kita at sinasamba. Ikaw lamang ang aking Diyos at wala ng iba. Lord, You are the Lord of lords, and King of kings. Thank you for today Lord God, for waking us up, for all the blessings, for the peace, strength, and healing. Patawad po sa mga nagawa naming kasalanan. Baguhin mo po ang puso’t isipan. Tulungan mo po kaming mamuhay ayon sa iyong kalooban. Salamat for giving us Jesus Christ to save us from our sins. Thank you for the unconditional love. Maghari ka po sa aming buhay. In Jesus name I pray, Amen!

 

TO GOD BE THE GLORY!

------------------------------

ELDER MC - JCRC SORSOGON

No comments:

Post a Comment

MATTHEW 1 : SI HESUS

  MATTHEW 1                  Dito sa chapter one ng Mateo ay pormal na ipinakilala si Jesus. Kung saan siya nag mula na lahi at kung sino ...