Thursday, September 10, 2026

2 Corinthians 5: NEW IDENTITY

 



2 Corinthians 5

Ang pangunahing mensahe ay nakatuon sa walang hanggang pag-asa sa langit, pagiging bagong nilalang kay Kristo, at ang ministeryo ng pakikipagkasundo (ministry of reconciliation)

1.buhay na salita

2.personal na pahayag

📌 Ang Pangunahing Mensahe

Kahit na humaharap tayo sa paghihirap at pagtanda ng ating pisikal na katawan, mayroon tayong tiyak na tahanan sa langit. Dahil dito, hindi tayo nabubuhay para sa sarili kundi para kay Kristo. Binago na Niya ang ating pagkatao upang tayo naman ang maging tulay para ipakilala ang pag-ibig at kapatawaran ng Diyos.

ang 2 Corinto 5:17

Ang sinuman ay nakay Kristo, siya'y isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na."

🍎 Ang Rhema

Ang salita ng Diyos na nangungusap nang direkta sa ating puso at kasalukuyang sitwasyon bilang manampalataya ky kristo.

Para sa ating buhay ngayon: Burado na ang ating nakaraan: Anuman ang ating mga pagkakamali, kasalanan, o kabiguan noon, hindi ka na tinitingnan ng Diyos base sa iyong nakaraan. Kay Kristo, binigyan tayo ng "fresh start" o panibagong simula.May Bago na tayong Pagkakakilanlan (Identity): Hindi na kailangang patunayan ang ating sarili sa mundo. Tayo ay tinanggap, minahal, at ginawang matuwid sa paningin ng Diyos dahil sa ginawa ni Hesus sa krus

(2 Corinto 5:20)
Kaya nga, mga sugo kami ni kristo. At sa pamamagitan namin. Nakikiusap ang dios sa inyo manumbalik kayo sa kanya.

Tayo ay may Misyon: Tinawag tayo bilang isang Ambassador o Kinatawan ni Kristo. Ang buhay natin ngayon ay may mas malalim na layunin—ang ipakita ang pagmamahal at kapayapaan ng Diyos sa iyong pamilya, kaibigan, at katrabaho.

-----------------------
Elder: kuya dong
JCRC RIYADH

No comments:

Post a Comment

2 CORINTHIANS 5: Made New, Sent Out

  2 CORINTHIANS 5:17-20 Made New, Sent Out Verse 17 A Fresh Start Through Christ Before we received Jesus, we were dead spiritually. But whe...