Mateo 28:9 RTPV05
[9] Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Magalak kayo!” Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya. "MAGALAK KAYO!" Observation:Ang dalawang salitang iyan ang nag stand out sa pagbabasa ko. I asked God for a message today na sakto sa nararamdaman ko. Kaya ng binasa ko ang last chapter in English ay naintindihan ko naman pero gusto ko pang maintindihan lalo kaya trinanslate ko sa Tagalog. At iyan ang nakuha kong mensahe. Tamang-tama. Kakatapos ko lang umiyak dahil nakuha ko na ang program namin sa graduation bukas. I have high hopes kase alam kong maganda naman ang performance ko academically. Nag e-excel ako sa klase. Pero nung binuklit ko ang pages sa mga may awards ay wala doon ang pangalan ko. Dinouble check ko, wala talaga. Tapos nakita ko dun ang mga pangalan ng varsity ng school na hindi nga pumapasok, hindi nga namin alam na kaklase namin dahil hindi namin nakikita sa klase, andun sa list ng mga mag ga-graduate at may mga awards pa. Nasa award list din ang dapat na hindi ga-graduate pero dahil Tita niya ang Dean ay nakasama sa ga-graduate at may tatlo pang awards. Habang yung mga katulad naming nag e-excel naman sa klase, kahit isang academic acknowledgement, wala. Kaya sa tricycle palang pauwi, tulala na ako. Umiiyak ako. I asked God, bakit Lord? Ginawa ko naman lahat. I did my best. Halos mapuyat na ako sa kakagawa ng mga school activities and other staffs, hindi man lang binigyan ng halaga? Pag uwi ko, diretso ako sa kwarto. Tiyaka ako nag breakdown. Excited na lahat for tomorrow habang ako hiyang-hiya dahil walang award ni isa. And then, after that, binasa ko na to. And Sabi ni Lord, MAGALAK KAYO! His resurrection means victory. Napagtagumpayan na ni Lord ang lahat. Kaya God is telling us right now, we are victorious too! Sa kabila ng hirap, sa kabila ng sakit na pinagdaanan niya, hindi siya umimik sa halip pinagpatuloy niya ang dapat na mangyare. At ngayo'y nag bunga na ang lahat ng ito. Sa kaniyang muling pagkabuhay at napagtagumpayan niya na Ang kamatayan at kasalanan. Ganun din tayo, sa kabila ng hirap at sakit na pinagdaanan natin ay victorious na tayo. Dinaig na ng Panginoon ang kalaban sa Krus. Dinaig na ng Panginoon ang problema, sakit, kahinaan, at disappoinment natin sa Krus. Matagumpay na tayo. And now, I am proud to say that napagtagumpayan ko na ang college. Salamat sa Panginoon! Kahit walang award sa school basta may reward sa langit. That's my goal! Alam ko proud sa akin si Lord. Glory be to God talaga.
Application:
Sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan natin, MAGALAK KAYO. Gusto ni Lord na huwag tayong malugmok sa problema, sa kasalanan, sa kahinaan, sa sakit, at sa kung ano pa Mang bagay na gawa ng kaaway. MAGALAK TAYO dahil may Diyos tayong buhay na handang tumulong sa atin. Na mahal na mahal tayo. May Diyos tayong makapangyarihan. Natutunan ko ngayon na huwag tayong mag seek ng acknowledgement sa tao dahil gagamitin yan ng kalaban laban sa atin. Instead, don't ask acknowledgement, acknowledge God instead. He sacrificed His life para maging victorious din tayo. Kaya mag diwang tayo!
Praise God, nahimashamasan na ako sa emosyon ko kanina. Praise God because His word is alive. He is the word. He is alive! Amen!
Prayer:
Hallelujah Father God, God the Son, God the Holy Spirit. Purihin ka Panginoon sapagkat Ikaw ay mapagmahal na Diyos. Salamat dahil personal mo kaming dinadaluhan ng tulong, ng comfort, at ng agad-agad na kagalingan. Salamat dahil naririnig mo Ang aming mga katanungan at agad-agad mong sinasagutan. Salamat Panginoon ko dahil pinaparamdam mo palagi na hindi kami nag-iisa. Salamat Panginoon ko dahil ga-graduate na ako bukas. A big achievement for me. You know what I've been through. And thank you for not giving up on me and my education. Thank you for financing my needs. Thank you for all the wisdoms and knowledge. Thank you Lord for fixing my heart and eyes na hindi dapat ako mag de-depend for academic validation. Especially, thank you for sacrificing your life to give us salvation. Thank you Lord. Patawarin mo po kami sa mga nagawa naming kasalanan, sa isip, sa salita at sa gawa. We're very sorry. Fix us Oh Lord. Thank you. Let Your will be done on Earth as it is in Heaven! Purihin ka Panginoon! In Jesus name I pray, Amen!
---------------------
ELDER MC - JCRC SORSOGON
No comments:
Post a Comment