Thursday, May 14, 2026

Mark 7: ANG KALINISAN NG PUSO

 


ANG KALINISAN NG PUSO


Scripture
Mark 7:15
Nothing that Enters one from outside can defile that person,
But the thing that come out from within are what defile.


๐Ÿ‘‰ Ang isyu
V5. " at tatanungin siya ng mga faraseo at ng mga eskriba. bakit hindi Nagsisilakad ang iyong ang alagad ayon tradisyon ng mga matanda. Kundi nagsikain ng tinapay na hindi hinuhugasan ng mga kamay

๐Ÿ‘‰ Ang mali
V6. Sumagot si Hesus. Mga mapagkunwari. Tama ang hula ni isaias tungkol sa inyo. Gaya ng nasulat: "ang mga tao ito ay nagpaparangal sa akin sa pamamagitan ng kanilang labi, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.

๐Ÿ‘‰ Ang sagot
V20. At Sinabi nya, ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao."

Observation
๐Ÿ“Mahalaga ang kalooban sa paggawa
๐Ÿ“Marapat na ang puso ay bukal
๐Ÿ“Mahalaga ang kalinisan ng puso
๐Ÿ“Marapat na malaman ang "defilement" o karumihan upang magbago

Nilinaw ng Panginoong Hesus na ang panlabas na ritwal o pagkain ay hindi nagpaparumi sa espirituwal ng kalagayan ng tao.

Ang tunay na kamalian ay nagmumula sa puso--- mga masamang kaisipan, masamang motibo at hangarin.

Ang Panginoong Hesus ay nagtuturo ng may kabanalan, katuwiran sa bawat tao at ang Kanyang mga biyaya ay para sa lahat ng tao. Kung tanggapin mo Sya na bilang Dios at tagapagligtas, malaya ka para gumawa ng kabutihan sa iyong Kapwa. Tanging kalooban lamang ng Dios ang kailangan upang ang mga gawa natin ay katanggap tanggap sa Kanya.

Application
❤️ Suriin ang puso
❤️ Bantayan ang salita at gawa
❤️ Huwag maging mapagkunwari
❤️ Humingi ng bagong puso

1. Guard your heart
Ang ating mga iniisip ang nagdidikta ng ating karakter. Huwag hayaang magtanim ng inggit, poot, o kasamaan sa ating puso.

2. Focus sa inner purity, hindi lang sa appearance
Huwag magkunwari na banal sa labas habang marumi ang kalooban. Mahalaga ang sinseridad sa pananampalataya.

Prayer
Panginoong Hesus, salamat sa pagtuturo mo na ang tunay na kilinisan ay wala sa panlabas na anyo kundi nasa puso. Patawarin nyo po kami sa mga pagkakataong mas inuna namin ang opinion ng ibang tao kaysa sa kahalagahan ng aming kalooban.

Nalalaman mo po ang bawat kaisipan at motibo ng aming puso. Linisin nyo po kami sa anumang masamang hangarin, inggit, poot o karumihan na nagpaparumi sa amign pagkatao.

Tulongan Nyo po kami na bantayan ang aming puso at punuin ito ng iyong pag ibig, katuwiran at kabanalan. Hayaan Nyo po na ang aming mga salita at gawa ay sumasalamin sa iyong kadalisayan.

Sa pangalan ng Panginoong Hesus, eto ang aming samu't dalangin. Amen ๐Ÿ™

-----------------
Elder Kuya Dong
JCRC Riyadh

No comments:

Post a Comment

Mateo 28: "MAGALAK KAYO!"

  Mateo 28:9 RTPV05 [9] Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Magalak kayo!” Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at s...