Tuesday, February 3, 2026

1 Timothy 5 - THE FAMILY OF GOD

 





1 Timothy 5

Paul is giving special instructions to Timothy on how to take care/ to minister the family of God (Church). Kung paano siya makitungo sa kanila. Paul relates this to a family.


A family does respect, help and care for each other(V. 1-5; 7-8)

Iba man ang takbo ng mundo ngayon sa pakikitungo lalo na ang mga matatanda at bata, ang mga bata ay nawawalan na ng respeto at paggalang sa mga matatanda, pabalang sumagot at padabog kapag inuutusan. Kung ang matatanda naman ang magkamali itama natin sila ng may respeto huwag natin silang sigaw sigawan o maliitin. Huwag natin silang iwanan sa panahon ng kailangan nila ng tulong, maging handa tayong umagapay sa kanila, maging mata nila tayo sa panahong malabo na ang paningin nila, maging paa nila tayo sa sitwasyon na hindi sila makatayo, maging kamay nila tayo kapag hindi na nila kayang humawak pa, hawakan natin sila ng mahigpit. At sa tuwing nanlalamig sila maging mainit tayo na yakap na bumibigkis sa kanilang katawan. Alagaan at protektahan natin ang bawat isa sa atin. 


A family supports and appreciates each other.(17)

- let's appreciate one another for their service, effort, time and love na ibinigay sa bawat isa. Kahit simple thank you means a lot. Hindi man naghihintay ng papuri mula sa iba ngunit marapat lamang bigyan natin sila ng pakilala. Lalo ang mga nagtuturo sa atin ng tamang pamumuhay.


A family corrects each other and doesn't tolerate wrong doing(v. 11-15, V. 20)

- Love does not tolerate what is wrong if we do, there's no love at all.  

Sa pagmamahal kaakibat nito ang pagdidisiplina at ang katotohanan. Wala sa estado o edad ang pagdidisiplina at pagtatama hanggat nagkakamali tayo kailangan nating itong gawin ito ng sa gayon maging kalugod lugod tayo sa kapwa natin not to please them but to set  an example of  good living. And that is love binibigay natin ang katotohanan. At ang katotohanan ay na kay Cristo at si Cristo lamang. 

-------
PASTORA CZAR

1 comment:

1 Timothy 5 - THE FAMILY OF GOD

  1 Timothy 5 Paul is giving special instructions to Timothy on how to take care/ to minister the family of God (Church). Kung paano siya ma...