THE KING AND HIGH
PRIEST
HEBREO 7
Hebrew 7 is all about Melquisedec and Jesus, that they both have the
same job as a King and priest at the same. But, who is Melquisedec and who is
Jesus? What are their similarities and distinction?
Melquisedec, he is the king of Salem and high priest of God in old
testament. His name came from the Hebrew word, Malki-Tzedek, na
ang ibig sabihin ay “Hari ng Katuwiran.” Ang Salem ay
ang lumang pangalan ng Jerusalem, na nangangahulugang “Kapayapaan.”
Kaya siya rin ay tinawag na “Hari ng Kapayapaan.” But,
according sa verse 3, “Walang nababanggit tungkol sa kanyang ama at ina, o sa
angkang pinagmulan niya. Hindi rin natala ang kanyang kapanganakan o kamatayan.
Tulad ng Anak ng Diyos, siya’y pari magpakailanman.”
So, there are theories about him and some of it are the following:
l Kung pag babasehan ang historical view, isa siyang tynay na hari ng
Canaan noong panahon ni Abraham na sumasamba sa nag-iisa at tunay na Diyos,
kahit napapaligiran siya ng mga paganong bansa.
l Kung sa Jewish tradition, siya raw si Shem na anak ni Noe o mas kilala
bilang ang matuwid na anak ni Noe. Ayon sa tala ng edad sa Genesis, buhay pa si
Shem noong panahon ni Abraham at siya ang pinakamatandang nakakaalam tungkol sa
tunay na Diyos.
l Kung sa theological view naman, ito raw ay isang Christophany. May
naniniwalang si Melquisedec ay isang maagang pagpapakita ni Hesu-Kristo sa
Lumang Tipan bago pa Siya ipanganak bilang tao, dahil sabi sa Hebreo 3 na siya
ay walang simula ng mga araw o katapusan ng buhay.
Anuman ang kaniyang pinagmulan, ginamit ng Diyos si Melquisedec bilang
anino o larawan (foreshadowing) ni Hesus. Ipinakita niya na posible ang
isang pinuno na sabay na maghahari at maging tagapamagitan ng Diyos. At dahil
nagbigay si Abraham ng ikapu o tithe kay Melquisedec at binasbasan siya nito na
makikita sa verse 4; ipinakita nito ang pagkapari ni Melquisedec (at ni Hesus)
ay mas mataas kaysa sa lahi ng mga paring Levita na nagmula pa lang kay
Abraham.
Pero ano nga ba punong pari at ano ang trabaho ng punong pari sa Lumang
Tipan? Ang punong pari ang pinakamataas sa pinunong espirituwal at kinatawan ng
buong bansang Israel sa harap ng Diyos. Sabi sa Hebreo 5:1, “Ang bawat
punong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang
maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga
handog para mapatawad ang mga kasalanan.” Ayon naman sa verse
3 ng chapter 5, “At dahil sa kaniyang kahinaan, kinakailangan siya’y mag-alay
ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para rin sa kaniyang
sarili.” At sabi sa chapter 7:23, “Bukod dito, kailangan noon ang
maraming pari dahil namamatay sila at hindi nakakapagpatuloy sa panunungkulan.”
So, dito na papasok si Hesus bilang Pinakapunong pari sa
Bagong Tipan dahil siya ang gumawa ng pinakamataas at permanenteng paraan upang
makalapit ang tao sa Diyos.
l Ngunit sa ilalim ng kautusan ni Moises, ang sinumang magiging pari ay
dapat magmula lamang sa tribo ni Levi (ang lahi ni Aaron). Si Hesus ay
ipinangank sa tribo Juda, ang tribo ng mga hari gaya ni Haring David. Wala ni
isa sa tribo ni Juda ang nagsilbi sa altar bilang pari. Kaya upang maging legal
ang pagkapari ni Hesus sa mata ng Diyos, kinailangan ng ibang uri ng pagkapari
na hindi nakabase sa lahi ni Levi. Ito ang pagkapari ni Melquisedec.
l Sa lumang batas ng Israel, mahigpit na magkahiwalay ang trabaho ng Hari
(mula sa Juda) at ng Pari (mula sa Levi). Bawal ang isang hari na gumanap
bilang pari. Ngunit si Melquisedec ay sabay na Hari ng Salem at Pari
ng Diyos. Dahil si Hesus ay ayon sa orden ni Melquisedec,
nagawa Niyang pagsamahin ang dalawang tungkulin: Siya ang Hari na
namamahala sa atin at ang Punong Pari na namamagitan at
nagliligtas sa atin.
l Hebreo 7:21, “ngunit nanumpa siya nang gawin niayng pari si Jesus, ayon
sa sinabi niya, ‘Ang Panginoon ay sumumpa, at hindi siya magbabago ng isip,
Ikaw ang Pari magpakailanman!”
Amen! Gaya ng punong pari sa Old Testament ay Siya rin
ang namagitan between God and the humanity. That is why, sabi sa John
14:6, “Jesus answered, I am the way, the truth, and the life. No one comes to
the Father except through me.”
l Inihandog Niya ang Kaniyang
sarili upang tayo ay malinis at maligtas sa ating kasalanan. Dati diba, ang mga
hinahandog lamang ay mga tupang malinis at walang kapintasan. That is why Jesus
is called the Lamb of God, dahil Siya na ang huling tupang
inalay para sa sangkatauhan. Ayon sa John 1:29, “Tingnan niyo, Siya ang
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Because we
can’t clean ourselves from our sins kahit na gumawa pa tayo ng mabuting gawa,
hindi tayo maliligtas niyan. It is through repentance na kapag humingi tayo ng
kapatawaran sa Diyos at tinanggap natin Siya bilang ating Diyos at
Tagapag-ligtas ay tayo’y maliligtas. Mas maswerte nga tayo ngayon dahil pwede
na tayong lumapit directly sa Diyos at hindi na tayo maghahandog para lang tayo
ay malinis at mapatawad sa ating kasalanan. We will just accept Jesus Christ in
our life and allow the Holy Spirit to control us.
l Ayon naman sa verse 24, “Ngunit si Hesus ay buhay magpakailanman,
kaya’t walang katapusan ang kaniyang pagkapari.” Kaya naman natatamasa
natin ngayon ang kapatawaran dahil sa pagtanggap natin sa Panginoong Hesus at
hindi lang tayo ang makikinabang kundi ang mga susunod pang henerasiyon.
Lubusan Niyang maliligtas ang lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya. Kaya
hindi na kailangang palitan ang Kaniyang pagkapari kailanman.
Sa madaling salita, ginamit ng Diyos ang halimbawa ni Melquisedec upang
patunayan na bago pa man itatag ang sistema ng mga pari sa Lumang Tipan, may
nakahanda nang mas mataas at permanenteng plano ang Diyos para iligtas ang tao
sa pamamagitan ni Hesus.
AMEN.
GLORY TO GOD.
---------------------------------
ELDER MC - JCRC SORSOGON
No comments:
Post a Comment