COLOSAS
4:2- ANG MAPAGPAKUMBABANG SUNDALO NG DIYOS
Ang
kabanata 4 ang huling isinulat ni Apostol Pablo na kung saan tinuruan niya tayo
kung paano nga ba makisama sa mga tao mapa-believers man o hindi. Ipinaalala
niya rin sa atin kung ano ang gagawin ng isang Kristiyano upang mas maging
lubos tayo sa harapan ng Diyos. Ganun din ay sa huling passage ay ipinakita ni
Apostol Pablo kung paano nga ba mas tumatatag ang isang Iglesiya; iyon ay sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang relasiyon sa kapwa mananampalataya. Mag
kamustahan ang bawat isa upang mag bigay lakas-loob sa isa’t-isa.
Ngunit,
ang pagtutuunan natin ng pansin ay ang verse 2, “Maging matiyaga kayo sa
pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos.”
1.
Maging matiyaga kayo sa pananalangin – Mahalaga
sa buhay ng isang Kristiyano ang pananalangin dahil ito ang nagpapatatag ng
ating relasiyon sa Diyos. Sinasabi nating mahal natin ang Diyos ngunit kung
puro lamang salita at walang gawa ay sino ang maniniwala? Oo nga’t on fire tayo
tuwing Sabado at Linggo dahil mayroon tayong soaking prayer, Bible study, at
sermon. Pero, kumusta ka tuwing weekdays? Kumusta ang prayer life mo sa labas
ng simbahan? Hindi pwedeng mahal mo lang si Lord tuwing weekends at balik na
naman sa mundo pag lunes hanggang biyernes.
YOU
ARE A CHEATER, if that’s the case. You can’t love two
masters at once. May isa niyang palaging mamahalin at may isang hindi. So,
choose wisely. Doon tayo sa Panginoong Hesu-Kristo na nag sakripisyo ng
Kaniyang buhay upang iligtas tayo at linisin sa ating kasalanan. Sa pamamagitan
noong tinanggap natin Siya bilang ating Diyos at Tagapagligtas ng ating buhay
at tsaka lang manunumbalik ang relasiyon natin sa Diyos. And to maintain that
relationship, communication is always the key. Our way of communicating with
Him is through prayer.
Ang
panalangin ay hindi dapat ginagawa tuwing weekends o kapag may problema o
krisis lang. Ito ay patuloy nating ginagawa in season o out of season man para
ma-build sa atin ang discipline at ma-strengthen ang connection natin sa Diyos.
Kaya pray harder and be consistent. Lahat ng ipinalangin mo believe that
you have received it in Jesus Christ name. At ang pananampalataya natin sa
Diyos ay mas lalong lalakas pa because we are acknowledging His perfect timing,
power, and strength.
2.
Maging handa – Bilang isang Kristiyano ay dapat lagi
tayong handa o watchful sa buhay espirituwal natin at sa mga tuksong maaaring
makaapekto nito. Hindi ba’t we are the army of God? Bakit may sundalo ang isang
kaharian? To protect the kingdom, right? In spiritual, to protect yourself and
relationship to God because we are in spiritual warfare.
· Handa
sa muling pagbabalik ni Hesus (Spiritual awareness) Dahil
ayon sa Mateo 24:44, “Kaya nga, maging handa kayo nang lagi, sapagkat darating
ang Anak ng Tao sa oras na hindi inaasahan.
· Handa
sa pagtatanggol sa pananampalataya (Readiness to witness) Dahil
ayon as 2 Timoteo 4:2, “Ipangaral mo ang Salita ng Diyos. Maging handa ka sa
bawat pagkakataon, napapanahon man o hindi. Kumbinsihin mo ang mga tao,
pagsabihan, at patatagin ang loob nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
· Handa
sa lahat ng mabubuting gawa (Ready for good works) Dahil
ang paghahanda ay dapat makita rin sa araw-araw na pamumuhay. Ayon sa Tito 3:1,
“Ipaalala mo sa kanila na pasakop sa mga pinuno at sa may kapangyarihan, na
maging masunurin, at maging handa sa bawat mabuting gawa.”
3.
Nagpapasalamat sa Diyos – Be grateful always kahit sa
maliit na bagay. Kung mapagkakatiwalaan ka ng maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan
ka din sa malaking bagay. Appreciate everything even the small things God has
given to you. After all, blessing isn’t only money. It’s a peace, people,
opportunities, health, time, and so much more. According to 1 Thessalonians
5:18, “Give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in
Christ Jesus.” Magpasalamat tayo sa lahat ng pagkakataon mayroon man o
wala. Kahit mabigat man ang pinagdadaanan, mayroon paring mga bagay na dapat
nating ipagpasalamat—tulad ng buhay, lakas, at katapatan ng Diyos na hindi tayo
iiwan.
In
conclusion, we are the army of God. Wear the armor of God and these are the
following: Belt of truth, breastplate of righteousness, shoes of the gospel of
peace, shield of faith, helmet of salvation, and sword of Spirit. And prayer
is the vital practice that holds all the armor together. Pray constantly.
Be ready to fight and always give thanks through praise and worship.
Glory
be to God!
-----------------------
ELDER
MC – JCRC SORSOGON

No comments:
Post a Comment