Friday, August 7, 2026

Romans 3 - MAGING MATUWID



 Romans 3 - MAGING MATUWID

Ang buong kabanata sa Romans 3 ay nagpapakita na lahat ng tao ay nagkasala sa harap ng Diyos. Mapa-hudyo man o hentil ay parehong makasalanan. Ngunit ang pagkakaiba nila ayon sa Romans 2:12, "Ang mga Hentil ay walang Kautusan ni Moises. Sila ay nagkakasala at paparusahan nang hindi batay sa Kautusan. Ang mga Hudyo ay mayroong Kautusan. Sila ay nagkakasala at hahatulan batay sa Kautusan." Sa kasalukuyan, ang mga Hudyo ay ang mga BELIEVERS at ang mga Hentil ay UNBELIEVERS. Kung titingnan ang estado ng dalawang grupo makikita natin kung sino ang nasa taas at nasa ibaba. Dahil doon, nagkakaroon ng PRIDE ang mga nasa taas dahil sila ang may good advantage dito kumpara sa isa. PROS OF BELIEVERS: *Alam nila ang Kautusan. Kilala nila ang Diyos. He is a triune God. God the Father, God the Son, and God the Holy Spirit. *Alam ang tama at mali. Dahil meron tayong Kautusan na sinasabi kung ano ang dapat na gawing tama at hindi dapat gawin. *Alam kung paano manalangin. *At alam nating dapat ipangaral ang Salita ng Diyos sa lahat. CONS OF BELIEVERS: *Nagiging hambog na kesyo sila ay may kaugnayan sa Diyos, alam ang kalooban ng Diyos at sumasang-ayon ka sa mabubuting bagay. Dahil doon, sa halip na ibaba natin ang ating sarili upang maabot ang mga unbelievers ay nagiging unreachable and unrelatable. Tuloy ay may namuong distansiya sa pagitan natin at ng taong iyon. Kapag nagkasala ba tayo, hinahambugan ba tayo ni Lord na siya ay malinis at tayo ay marumi? Hinding-hindi! Siya ay nagpakumbaba upang abutin tayo at naging tao upang makiisa sa ating nararamdaman. Upang ipakita sa atin na Siya ay malalapitan natin sa panahon ng problema, at pagsubok. Bilang mananampalataya, ganun din ang gawin natin na sa halip na magmataas ay magpakumbaba tayo. Sabi nga sa Romans 2:1, "Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon." Ito ang dahilan kung bakit may nag ba-backslide na hindi natin mapabalik. Dahil pinaparamdam nating tayo ay malinis at siya ay marumi. Na siya ay makasalanan at mali ang ginagawa niya. Mali naman talaga ang ginawa niya but the way to encourage her back should be done right. Dahil lahat naman tayo ay makasalanan. In Romans 3:10, "WALANG MATUWID, WALA KAHIT ISA." So, huwag mong batuhin ng bato ang taong iyon hanggang mamatay dahil ikaw rin ay makasalanan din. Kung hindi ka nagkasala ay tsaka ka bumato. Pero tanging ang Diyos lang ang hindi nagkasala, binato niya ba tayo hanggang sa mamatay? Diba Hindi, pinatawad ng Panginoon ang babae at sinabing, "SIN NO MORE." So, there is no toleration. His Grace is justification that He turned the guilty person not guilty.
*Pangalawa, pagbabalat-kayo. Hypocrisy. Hindi natin namamalayan na tayo ay nakatago na pala sa likod ng maskara at pinapakita lamang natin sa panlabas ang kagandahan at kabutihan. Sabi sa Romans 2:21-23. Nagtuturo tayo sa iba kung ano ang dapat gawin ngunit sa sarili natin ay hindi rin natin ginagawa. I mean, this is very hard because sometimes we are real, sometimes we are not. We are not consistent. Pero ipanalangin natin sa Diyos na patawarin tayo sa pagkakasalang ito. Patawarin din natin ang ating sarili kapag hindi umaayon sa plano natin ang nangyayare. I know the frustration of it. Mas consistent pa ata akong gumawa ng mali kesa gumawa ng tama. And I hate myself for doing that. I have no excuse. Mali talaga. Pero, I realized, pinatawad ka na nga ni Lord; patawarin mo narin ang iyong sarili. BE REAL. BE GENUINE TO EVERYONE. That's why, I'm showing my weakness right now in front of everybody and in front of God. That I always tell, I don't deserve God. Tama, hindi talaga natin deserve ang kabutihan ni Lord dahil palagi nalang natin Siyang tini-take advantage. Pero sagana parin ang awa at Biyaya Niya sa atin. Sabi nga sa Romans 2:29, "Ang tunay na Judio ay ang taong nabago sa puso't kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat..." Amen. Ang tunay na believer ay hindi pakitang-tao kundi maging tunay na tao. Don't please people. Please God instead. Magpalinis tayo ng ating puso araw-araw upang bumukal sa atin ang Kaniyang pagmamahal at kabutihan. Kaya kapatid, maging mabuti tayong mananampalataya sa Diyos. Magpakumbaba at humingi ng tawad dahil lahat tayo ay nagkasala. Sabi sa Romans 3:21-22, "Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng Kautusan, bagaman ang Kautusan at ang mga Propeta ang nagpatotoo tungkol dito. Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya Kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao." Amen! Romans 3:27, "Kaya't ano ngayon ang ating maipagmamalaki? Wala!..." Stay grounded. - Elder Mc- JCRC SORSOGON

No comments:

Post a Comment

ROMANS 2 - REPENTANCE OVER PRIDE

  Romans 2:5 “But because of your stubbornness and your unrepentant heart, you are storing up wrath against yourself for the day of God'...